"Obstruction of Justice", Isinampa Laban kay Duque, Kaugnay ng Dengvaxia



Matapos sampahan ng reklamong "reckless imprudence resulting in homicide" sa ilalim ng Article 365 ng Revised Penal Code, at Violation of Republic Act No. 9745 o Anti-Torture Act sina Health Secretary Francisco Duque III at 36 na iba pa kaugnay ng Dengvaxia, isang panibagong reklamo na naman ang isinampa laban kay Duque. Sa tulong ng Public Attorney's Office (PAO), isang pamilya ang naghain ng reklamong "obstruction of justice" sa DOJ laban kay Duque, ayon sa ulat ng PTV.

Ayon kay PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta, kasama umano si Duque sa mga dapat managot dahil nang panahon raw na nabigyan ng bakuna noong Nobyembre 2017 ang batang si Abbie Hedia, (13) na sinasabing namatay dahil sa kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine, si Duque umano ang nakaupo bilang DOH Chief.



Sa ilalim ng Administrative Order No. 2018-0011, ang PAO ang naatasang magsagawa ng fact-finding investigation sa nasabing immunization program. Ayon sa reklamong ipinrisinta ng mga magulang ni Hedia, tumanggi umano si Duque na ipakita sa PAO ang "masterlist" ng mga batang naturukan ng Dengvaxia vaccine. Ito umano ang dahilan kung bakit nahihirapan ang PAO na maimbestigahang mabuti ang mga kaso ng mga sinasabing namatay dahil sa nabanggit na bakuna.

Ganito umano ang mababasa sa 19-pahinang reklamo:

"There is no doubt that Sec. Duque is effectively and willfully suppressing, and concealing the records of the victims and the cadavers of the deceased victims- a matter that is subject to criminal invstigations by several government agencies including PAO."

Samantala, umaasa naman umano si Acosta na mauunawaan ni Duque na ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho, at hindi umano ituturing ni Duque na "personal" na bagay ito laban sa kanila, dahil naniniwala raw siya na tama lamang na tulungan nila ang mga taong nangangailangan ng serbisyo ng PAO.

Ano'ng masasabi niyo rito?

Source: PTV News

Previous
Next Post »