Nakakagimbal na Ebidensiya ng Pandaraya? Ilang Ballot Boxes, Walang Voter's Receipts!

Isa na namang iregularidad ang nadiskubre sa ika-2 linggo ng kontrobersiyal na vice presidential elections recount sa pagitan nila former senator Bongbong Marcos at VP Leni Robredo. Sa ulat ng PTV news, natuklasan na nawawala umano ang importanteng voter receipts sa Balatan, Camarines Sur. Posibleng hindi umano nasama sa vote counting machines (vcm) ang ilang botante dahil nawawala ang resibo.

Matatandaang noong unang linggo ng recount ay nadiskubre rin ang mga basang balota at mga nawawalang audit logs.

"Patuloy po yung mga discoveries ng mga nakakagimbal na ebidensiya ng pandaraya. Ngayong hapon ay nakitaang walang voter's registration receipts. Ito po ang lumalabas pagka tayo po ay matapos bumoto 'yung resibo. 'Yung resibo po ang nagpapatunay kung naboto ba natin ang kandidatong napili natin at kung ito ba ay nabilang. Dito po sa municipalities ng Balatan at Bato, 10-8 voting machine suspectedly ang walang vote registration receipts. Ano po ang significance nito? Ito po ay indikasyon na ang boto po ng mga botante ay hindi the same sa resultang na-transmit ng vcm," sabi ni Atty. Vic Rodriguez, spokesperson at abogado ni Marcos.

Basahin ang reaksyn ng mga tao sa bagong nadiskubreng iregularidad sa recount.

Source: PTV News via Erwin Tulfo

Previous
Next Post »