MRT, Lumuluwag na! Operational Trains, Umabot na sa 15!

Dahil patuloy ang ginagawa pagkumpuni ng Duterte Administration sa napabayaang MRT-3 noong panahon ng Aquino Government, nararamdaman na ng mga mananakay ang pagbabago. Sa isang social media post, ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr) ang post ng isang netizen kung saan naramdaman nito ang pagbuti sa serbisyo ng MRT. Makikita sa larawan na hindi na siksikan sa bagon ng MRT. Nagkaroon pala ng annual general maintenance noong semanta santa habang ang karamihan ay abala sa bakasyon.

"Yes, hindi po kayo nagkakamali. Gaya ng ating ipinangako, kasalukuyang labinglima (15) na ang operational trains ng MRT-3 dahil sa patuloy na pagdating at paggamit ng mga spare parts, at dahil na rin sa naganap na annual general maintenance nitong nakaraang Semana Santa. Patuloy pa po nating pagbubutihin ang ating serbisyo upang tiyaking magkakaroon ng mas ligtas at maginhawang byahe ang ating mga pasahero. Walang halong biro ‘yan, " sabi sa post ng DOTr

Ito ang reaksyon at patunay ng ilang pang mga kababayan natin sa pagbabagong nangyayari sa MRT sa ilalim ng Duterte Gov't!

IBAHAGI po natin ang mabuting balita na ito.

Source: Department of Transportation - Philippines

Previous
Next Post »