Mga Security Aides na Nagnakaw sa Japanese Tourist sa NAIA, IPINAKILALA na sa PUBLIKO! IPAPAKULONG ng DU30 Gov't!

Ipinakilala na sa madla ang 2 tauhan ng Office of Transport Security (OTS) na nagnakaw sa Japanese Tourist sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Marso 28, 2018.

Ang dalawang suspek ay kinilala na sina Aides Stephen C. Bartolo and Demie James P. Timtim. Ayon sa ulat ng PTV, natangayan ng 1,700 Australian Dollars (AUD) or roughly PHP68,000 ang biktimang si Yuka Sakata, isang Japanese National.

Nagpuyos naman sa galit si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur P. Tugade sa ginawa ng dalawang mokong.

"Mga sira-ulo yan. Nakakahiya! Ipa-kulong yan! Nakasisira sila ng imahe ng mga airport natin at pati ng buong Pilipinas. Sayang ang pagpapagod ng buong DOTr upang maituwid ang baluktot kung may mga kurakot at magnanakaw pa rin na kagaya m nila! Sisiguraduhin kong mapaparusahan ang mga ‘yan at hindi na makatatapak pa sa ating mga paliparan," banat ni Tugade./p>

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, maanagot sa batas ang lahat ng mga korap na tauhan ng paliparan.

Basahin ang naging reaksyon ng mga kababayan natin sa dalawang suspek.

Source: PTV

Previous
Next Post »