Mga Pasaway na Pasaherong Pupuwersahing Buksan ang Pinto ng MRT, Kakasuhan!

Labis na nadismaya si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa nangyaring aberya noong April 13 sa MRT-3, kung saan may 1000 pasahero sa may Santolan-Annapolis ang hindi naisakay. Ang dahilan, isang pasaway na pasaherong pinuwersang buksan ang pintuan ng tren bagama't sarado na ito, sa ulat ng PTV news.

Dahil sa naidulot nitong public inconvenience at damages, ipinag-utos ni Tugade na kilalanin ang nasabing lalaking naging dahilan ng matinding perwisyo sa mga kapwa nito pasahero. Ito ang unang naitalang insidente ng "unloading" mula nang magkaroon ng general maintenance ang MRT-3 noong Holy Week (April 2), kung saan may 15-17 tren na ang maayos na pinatatakbo araw-araw.

"For the last 11 days, there was no unloading, it was smooth. Today, we have the first unloading. Do you know the cause? There was someone who put pressure on the door. Pinilit na pumasok habang sarado na. It's not about parts, it's about this passenger. My instruction, identify this person," ani Tugade.

"From now on, lahat ng mahuhuling sumasandal o nagpipilit magbukas ng pinto ng tren kahit sarado na, kasuhan! I told MRT to file cases and collect damages from them. Maraming naaabala dahil sa kawalan ng disiplina,"dagdag pang DOTr Secretary.

Ang disiplina, mga kababayan ay palaging nagsisimula sa sarili. Lahat tayo ay naghahangad ng maayos na transportasyon ngunit kung mananatiling pasaway at matigas ang ulo ng ilan, mahihirapan tayong makamit ito.

Source: PTV News

Previous
Next Post »