Mga Estudyante at Mga Magulang, Inalerto ng PNP sa mga Aktibidad sa Labas ng Campus (NPA Training)!

Kamakailan lamang, kaliwa't kanan ang mga balita ukol sa pagkakasangkot ng ilang mga kabataang mag-aaral mula sa ilang unibersidad sa bansa sa mga aktibidad ng New People's Army. Isa umanong halimbawa nito ay ang armadong pakikibaka laban sa pamahalaan na karaniwan daw ipinalalalabas bilang social immersion activities.

Dahil dito, muling nagpaalala ang Philippine National Police sa mga estudyante, gayundin sa mga magulang na maging mapanuri sa bawat sasalihang off-campus activities ngayong bakasyon ng kanilang mga anak.

Sa ulat ng PTV, ayon umano sa PNP ay kadalasang nire-recruit ng mga miyembro ng NPA ang mga kabataan, na karaniwang isinasagawa kasabay ng pamumundok ng mga militanteng student organizations.

Hinikayat ng PNP ang bawat magulang na tiyaking aprubado ng paaralan ang alinmang sasalihang summer camp ng kanilang mga anak.

Maging mapagmatyag, maingat st mapanuri po sana tayo mga kababayan, lalo na po ang ating mga mag-aaral at ang bawat magulang. Siguraduhin nating hindi masasayang ang magandang kinabukasang pinapangarap natin para sa ating mga kabataan.

Source: PTV

Previous
Next Post »