Mga Batang Na-Ospital Matapos Turukan ng Dengvaxia, Pumalo na sa Libo-libo!

Loading...

"Based on the Department's Dengue Adverse Events Surveillance, 3,281 Dengvaxia vaccinees reported were hospitalized following immunization of the dengue vaccine for various illnesses covering the period March 2016 to March 2018... The more than 3,200 vaccinees were treated in various public and private hospitals,"

Ito ang datos na ibinunyag ng Department of Health (DOH) tungkol sa mga batang naturukan ng kontrobersiyal na Dengvaxia Vaccine.

Ayon sa DOH, sasagutin ng pamahalaan ang pagpapagamot sa mga naturukan ng naturang bakuna. Sa katunayan, naglabas na umano ng mahigit P17 million ang ahensiya para matugunan ang mga parehas na kaso.

Sa senate blue ribbong report ni Senador Dick Gordon, inirekomenda na kasuhan sina dating Pangulong Noynoy Aquino, former Health Secretary Janette Garin at former Budget Secretary Butch Abad ng kasong kriminal.

Ito po ang reaksyon ng mga tao sa taas ng bilang ng mga batang na-ospital matapos turukan ng dengvaxia.

Source: GMA News

Loading...

Comments