Meralco, Magtataas Singil Ngayong Abril!

Marami ba kayong alam na "Kuryentipids", mga kapatid? Puwes, simulan na nating gawin ang mga ito dahil ngayong Abril, muling magkakaroon ng pagtataas ng singil sa konsumo ng kuryente ang Meralco.

Ayon sa Meralco, nagtaas umano ang presyo ng kuryente sa spot market nang magkaroon umano ng problema sa supply ang Malampaya noong nakaraang Marso, kaya't napilitang i-operate ang iba pang planta. Dahil dito, asahan na raw ng publiko ang pagkakaroon ng dagdag-singil ngayong buwan.

"As you know, Meralco, as a distribution utility, ay umaangkat lang kami ng kuryente mula roon sa mga power genearators. Hinihintay namin 'yung mga billings nila. Ngayon kung anuman 'yung billings na 'yun, 'yun yung nagbabago buwan-buwan," ani Mr.Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco.

Ngayong Abril, kasama sa ipapataw na pagtaas ng singil ang naiwang 12 sentimo kada kilowatt hour noong buwan ng Marso.

Tiniyak naman ng Meralco na sisiguraduhin nilang may sapat na supply ng kuryente ngayong tag-init.

Tipid tipid sa kuryente mga kababayan! mabigat sa bulsa ang paglobo ng mga bayarin kaya't mabuting gawin natin lahat ng paraan para malampasan ito.

Source: PTV

Previous
Next Post »