Mayor Osmeña, Sinupalpal! "Wag mo Sisihin si DU30 Para Tabunan ang Sarili mong Isyu!"

Loading...

Kamakailan lamang ay naging laman ng balita ang mga pahayag ni Cebu City Mayor Tomas Osmeña na hindi umano malulutas ng pamahalaang Duterte ang problema ng droga sa bansa, kung hindi raw ito gagawa ng hakbang laban sa China, na pinaniniwalaang pinanggagalingan ng ilegal na droga.

Ayon kay Osmeña, napakarami na umanong nagawa ng Pangulo ngunit tila natatakot daw itong kumilos laban sa China. Dagdag pa ng Alkalde, kung siya raw ang tatanungin, ang droga raw ay nagmula sa China. Maging ang mga laboratoryo raw sa Maynila kung saan matatagpuan ang mga ilegal na droga ay mula sa China, kaya't hindi raw niya lubos maisip kung ano ang ginagawa at gagawing hakbang ng gobyerno ukol dito.

Kaagad naman siyang sinagot ni Presidential Assistant for the Visayas Michael Lloyd Dino. Ayon kay Dino, ang paglaganap ng ilegal na droga sa bansa ay hindi dapat isisi sa pagsunod ni Pangulong Duterte sa "independent foreign policy" na nagresulta sa magandang samahan ng Pilipinas at China, maging ng iba pang bansa.

"Huwag mong sisihin si Pangulong Duterte sa problema sa droga ng bansa," saad ni Dino.

Dagdag pa ni Dino, inililihis lamang umano ni Osmeña ang isyu dahil gusto nitong pagtakpan ang usapin, hinggil sa umano'y "pagtanggap"ng Alkalde ng "P7- million drug money" kay "Jaguar", at pagprotekta nito sa mga drug lords.

Source: PTV

Loading...

Comments