Maraming Nalokong Pinoy si DU30, Ayon kay Trillanes! "Nuknukan ng Sinungaling!"

"Wala na naman akong pinaniniwalaan sa mga sinasabi nya, sinungaling siya eh, nuknukan ng pagkasinungaling itong taong ito,"

Ito ang isa sa mga patutsada ni Senador Antonio Trillanes kay Pangulong Rodrigo Duterte sa isang panayam niya sa media. Ayon pa kay Trillanes, isa sa mga rason kung bakit namamayagpag ang Pangulo ay dahil marami daw itong nalolokong mga tao.

"Ang problema lang natin ay maraming Pilipino ang naloloko kaya namamayagpag siya," sabi ni Trillanes

Kahit tuloy ang boladas ni Trillanes kay pangulong Duterte ay patuloy na hindi pinaniniwalaan ng mga tao ang senador. Sa katunayan, kamakailan lang ay naglabas ang Social Weather Station ng isang survey kung saan nakakuha na naman ng positibong grado ang Presidente.

Anong komento niyo sa mga pinagsasabi ni Trillanes?

Source: Abante| News5

Previous
Next Post »