Maging Handa: Ilang Lugar sa NCR, Mawawalan ng Tubig!

Dahil sa patuloy na pagsasaayos ng mga daluyan ng tubig ng Maynilad, nag-anunsiyo ang kumpanya na mawawalan ng supply nang ilang oras ang iba't ibang lugar sa Metro Manila sa susunod na linggo. Maaga pa lamang ay inaabisuhan na ng Maynilad ang publiko upang makapag-ipon ng tubig para sa darating na pansamantalang pagkawala ng supply nito.

Dagdag pa ng Maynilad, maaaring magkaroon ng pagkaantala sa pagbalik ng tubig, lalo't nakadepende umano ito sa taas o baba ng isang lugar, dami ng gumagamit sa distribution system, at proximity mula sa pumping stations.

Narito ang listahan ng mga lugar at oras na mawawalan ng tubig, ayon sa ulat ng ABS-CBN:

Pasay- Ilang bahagi ng Arnaiz Avenue, Protacio Street, Taft Avenue, Sta. Clara at Tramo Street. Araw at oras: April 13 (11pm)-April 14, (3am)

Maynila- Ilang bahagi ng Avenida, New Antipolo, A.H. Lacson, Felix Huertas, at Tayuman (Brgy 344-348 at 359) Araw at oras: April 11 (1am-4am)

Ilang lugar sa Algeciaras, Florentino, España, Dapitan, Ma. Cristina, at Lacson (Brgy 473,475-476,478-481) Araw at oras: April 12 (1am-4am)

Quezon City- Ilang bahagi ng Barangay Greater Lagro Araw at oras: April 11 (11pm)-April 12 (4am)

Caloocan- Ilang bahagi ng Brgy.174 Araw at oras: April 9(11:30 pm)- April 10 (4am)

Ilang bahagi ng Brgy.171 Araw at oras: April 10 (11:30pm)-April 11 (3am)

Ilang bahagi ng Brgy.169 Araw at oras: April 10 (11pm)-April 11 (4am)

Ilang bahagi ng Brgy.179 Araw at oras: April 12 (11:30pm)-April 13 (3am)

Navotas- Ilang lugar sa Barangay Sipac Almacen, Navotas East at Navotas West Araw at oras: April 12, (11pm)-April 13(4am)

Malabon- Ilang bahagi ng Barangay Hulong Duhat Araw at oras: April 9(11pm)-April 10(4am) at April 10(11pm)-April 11 (4am)

Mainam na po na makapaghanda nang maaga lalo ngayong tag-init, kung kailan kailangang kailangan ng lahat ng sapat na dami ng tubig. Mas mabuti kung ngayon pa lamang ay iprepara na ang mga itinatabi nating lalagyang may maayos na takip na mapag-iimbakan nito.

Source: ABS-CBN

Previous
Next Post »