Laoag International Airport, Isa sa Pinakaligtas na Paliparan!

Ligtas at maipagmamalaking paliparan para sa lahat.

Ganito ngayon mailalarawan ang estado ng Laoag International Airport (LIA), matapos silang makatanggap ng temporary certificate mula sa International Civil Aviation Organization (ICAO) na valid hanggang June 30 ng kasalukuyang taon.

Ayon sa kanilang Civil Aviation Area Manager (Area 1) na si Ronald Estabillo, nakapasa ang LIA sa mga paunang accreditation process kasunod ng isinagawang conduct of safety audit at pagsusumite ng mga aerodome manuals noong Hunyo 20-24 2016, gayundin sa validation audit, Agosto 14-18 noong nakaraang taon.

Dagdag pa ni Estabillo, bukod sa ilang mga paliparan sa Maynila, Clark, Davao,Cebu at Iloilo, kabilang na ngayon ang LIA sa Top 6 na nakapasa at nabigyan ng certificate sa ilalim ng Civil Regulation Governing Aerodrome.

Ang ICAO ay itinakdang mga pamantayan na nagbibigay atensiyon at importansya sa kaligtasan at seguridad ng mga pasahero ng eroplano, partikular na ang tamang pagmamasid sa safety manual nito, pagkakaroon ng mga bihasa at well-trained staff na kayang rumesponde sa oras ng emergencies, gayundin ang pagkakaroon ng maayos, ligtas at napananatiling naalagaang mga gusali at pasilidad.

Source: PTV

Previous
Next Post »