Laman-Loob ng Dengvaxia Victim, Binaboy at Pinaghalo-halo ng DOH Doctors? "Hiniwang parang Murkon!"

Galit ang nadarama ngayon ng ama ng isang binatilyong namatay matapos turukan ng Dengvaxia. Napag-alaman kasi ni Francis Baquiran na pinagpira-piraso at pinaghalo-halo ng mga doktor ang mga lamang loob ng kanyang anak na si Julius Kenneth Baquiran. Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN, ang parte umano ng utak ay napunta sa dibdib. Ang puso at ang atay naman ay hindi na makita matapos i-autopsy ng Batangas Regional Hospital, isang Department of Health reference hospital.

"In my more than 20 years ng examination ng bodies, this is the first time na nakakita ako ng ganoon kagulo yung mga organs. Doon kami nagtagal sa pag-sort out," sabi ni Dr. Erwin Erfe, Director ng Public Attorney's Office (PAO) - Forensic Laboratory Services

Dismayado rin si PAO Chief Persida Acosta sa nadiskubre.

"Ganyan ba kayo mag-autopsy mga taga-DOH? GInagawa niyong parang sliced bread ang atay ng bata. Hiniwa-hiwa niyong parang murkon," sabi naman ni Acosta.

Balak mag-demanda ni Francis laban sa mga doktor na nag-autopsy sa kanyang anak.

Ito po ang reaksyon ng mga tao sa ginawa ng mga doktor sa bangkay ni Julius.

IBAHAGI po natin itong artikulo para lumakas ang panawagan png hustisya para kay Julius.

Source: ABS-CBN

Previous
Next Post »