Lalaking Sabog sa Droga, Nag-wala at Mananaksak ng Pulis! Sapul sa CCTV!

Nakunan sa CCTV ang pag-aamok ng isang lalaking lulong sa ipinagbabawal na gamot. Ayon sa ulat ng GMA News, nagbanta si Joel Lacson na sasaktan ang kanyang kapatid at pamangkin. Armado si Lacson ng mahabang kutsilyo.

Agad naman tumawag ng mga pulis ang mga barangay tanod. Sa pagdating ng mga pulis, biglang sinugod ni Lacson ang mga alagad ng batas. Makikita sa footage ang pagbaril ng mga pulis sa tagiliran at sa tiyan ng suspek para neutralisahin ito.

Nadala sa ospital ang suspek at nagpapagaling na ngayon. Nangyari ang insidente sa Pulang Lupa, Valenzuela. Ang suspek ay kasama sa drug watch-list ng Valenzuela.

Ang insidenteng ito ay umani ng iba't ibang komento at reaksyon galing sa mga kababayan natin.

Source: GMA News

Previous
Next Post »