Lacson at ilang Senador, Hindi Payag na Makasuhan si Noynoy sa Dengvaxia Controversy!

Hindi pipirmahan ni Senador Panfilo Lacson ang draft committee report ni Senador Dick Gordon kaugnay sa Dengvaxia controversy kung saan inererekomenda ang pagsasampa ng kaso laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Health Secretary Janette Garin, dating Budget Secretary Florencio Abad at iba pang opisyal.

Ayon kay Lacson, hindi niya raw nagustuhan ang pahiwatig ni Sen. Gordon na may utang na loob siya kay Noynoy. Matatandaang nakauwi ng Pilipinas si Lacson mula sa pagtatago nito at naging Yolanda rehabilitation czar pa noong naupo bilang Pangulo si Noynoy. Kamakailan lang ay sinabi rin ni Lacson na hindi siya makapaniwala na masasangkot sa korapsyon si Noynoy.

"Senator Gordon's unreasonable statements, ascribing motive in my earlier comment about ex-president [Benigno] Aquino [III] has firmed up my decision not to sign his committee report," sabi ni Lacson.

Sa isang social media post naman ay ipinakita ng prominenteng blogger at radio commentator na si Rj Nieto aka ThinkingPinoy ang listahan ng mga senador na pumirma at hindi pumirma. Ayon kay ThinkingPinoy, galing ang impormasyon niya sa mga official statements ng mga senador at mga senate insiders.

Basahin ang reaksyon ng tao sa status ng Dengvaxia report ni Gordon.

Source: News5 | GMA News | Abante| ThinkingPinoy

Previous
Next Post »