Kris, Binanatan si Korina! "Klaro na sa akin bakit nanalo si DU30!"

Isang malaking birada ang pinakawalan ni Kris Aquino laban sa host ng Rated K na si Korina Sanchez ngayong Linggo ng gabi. Kahit hindi direktang pinangalanan ni Kris ang kanyang pinatutungkulan, tinawag niya itong 'misis ni Mar'. Sa kanyang instagram post, naglabas ng sama ng loob si Kris dahil sa pag feature ni Korina kay James Yap sa programa nito. Si Yap ay dating asawa ni Aquino.

Kasama sa social media post ni Kris ay ang larawan nilang dalawa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kapansin-pansin pa sa post ni Kris ang Duterte fist sign.

Ito po ang buong post ni Kris.

"i have really had ENOUGH. Simple lang- minsan lang akong pinakiusapan ng kapatid ko- never para sa sarili nya pero para sa kandidatong inendorso nya. Dahil mahal ko sya ginawa ko. Lahat ng batikos ng dahil sa pagtulong na yon tinaggap ko... Tatlong beses akong nagpunta sa Davao- sa kampanya nung 2010, kampanya 2013 para kay Sen Chiz & Sen Grace at nung nag Kris Tv. Si PRRD lahat nung pagkakataon na nagkaharap kami, mabuti ang pinakita sa kin. Sampal sa mukha ko ang inilabas na feature ngayong gabi nung misis ni Mar Roxas. Yes pinepersonal ko dahil binuwis ko ang kinabukasan namin ng mga anak ko ng walang inasahang kapalit. At ang ganti sa kin at sa mga anak ko ngayon ay binida pa ang deadbeat na tatay... I apologize sa Kuya ko, humihingi rin ako ng paumanhin sa ninang ko na nanay ni Mar- pero klarong klaro sa kin kung bakit ang nanalong Pangulo ay si DUTERTE," sabi ni Aquino sa kanyang Instagram post.

Anong masasabi niyo sa awayan ng dalawa? Happy ba kayo?

Source: Kris Aquino's Instagram

Previous
Next Post »