Jeep na may Sakay na Robredo Supporters at Biyaheng-Supreme Court, Hinuli ng LTFRB!

Hinuli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang jeep na may lulan na mga miyembro ng Kilusang Maralita sa Quezon Avenue kaninang umaga. Ayon sa ulat ng ABS-CBN, magtutungo daw ang mga ito sa Supreme Court para mag-rally at ipakita ang suporta kay Vice Pressident Leni Robredo. Iginiit ng mga rallyista na "freedom of expression" ang kanilang ginagawa at 'special service' daw nila papuntang SC ang sasakyan.

"Ang tagal na namin ginagawa ito. Panahon pa nina [former Presidents] FVR (Fidel Ramos), Cory [Aquino], GMA (Gloria Macapagal-Arroyo), Erap [Estrada]. Freedom of expression ito," angal ni Nestor Lyarano, isa sa mga nahuli ng LTFRB..

Binutata naman ni LTFRB board member Atty. Aileen Lizada ang pangangatwiran ng mga rallyista.

"Di ibig sabihin na you have freedom of expression, you can do whatever you want to do. Okay lang naman kahit special service. Kasal, magsi-swimming, binyag. Pero dapat kukuha ng permit," buwelta ni Lizada.

Ayon pa kay Lizada, 'out of line' umano ang nasabing jeep at walang kinuhang kaukulang permit para bumiyahe maliban sa pamamasada, kaya maituturin na kolorum ito.

Ito kaya ang dahilan kung bakit hindi masyadong marami ang mga tao sa pagfa-file ng Kampo ni Robredo ng motion for reconsideration sa SC para gawin balido ang boto na may 25% shades?

Basahin ang reaksyon ng mga tao sa sinapit ng mga tagasuporta ni Robredo.

Naniniwala ba kayong hakot lang ang mga taong ito?

Source: ABS-CBN | ABS-CBN Archive | ThinkingPinoy| CNN Philippines

Previous
Next Post »