Isang Konsehal, Arestado sa Pagbebenta ng Droga!

Arestado sa isinagawang drug buy-bust operations sa Tabuk City ang isang konsehal ng Kalinga Province na naaktuhang nagbebenta ng may halagang P1000 ng hinihinalang shabu.

Ayon sa ulat ng Inquirer, ang suspek ay nakilalang si Dexter Batalao, 31, isang Konsehal sa bayan ng Pasil. Matapos umanong ibenta nito sa isang undercover agent ang hinihinalang shabu, sinubukan pa nitong takasan ang mga awtoridad subalit mabilis siyang nasukol ng mga ito sa isang checkpoint sa Appas Village. Hawak pa ni Batalao ang isang pakete ng hinihinalang shabu at ang P1000 marked money nang siya ay masakote. Ayon pa sa imbestigasyon, si Batalao ay dati nang sumuko noong 2016 sa ilalim ng programa ng Gobyerno na Oplan Tokhang.

Apat na sachets pa umano ng hinihinalangng shabu, mga drug paraphernalia at ilang armas ang nahalungkat ng mga pulis nang siyasatin nila ang mismong bahay ng suspek.

Kasalukuyang nakapiit si Batalao sa Tabuk City Police Station, at narekober mula sa kanya ang isang baril at shabu paraphernalia.

Ang lakas ng loob at ang kapal din naman ng mukha ng konsehal na ito mga kababayan ano po? Sa halip na gamitin ang posisyon sa pagpapaunlad ng kanyang nasasakupan, ginawa pang instrumento ang tungkulin niya upang magbenta ng ilegal na droga! Ano sa tingin nyo ang dapat gawin sa mga taong kagaya niya?

Source: Inquirer

Previous
Next Post »