Imbestigasyon ng Kongreso sa "Yolanda Housing Scandal", Sinang-ayunan ng Palasyo

Loading...

Suportado ng Malacañang ang panawagan na imbestigahan ang umano'y iskandalo sa kontrobersiyal na Yolanda Housing, sa ulat ng Manila Bulletin.

Nauna nang nagpahayag ng pagnanais si Senator J.V Ejercito, chairman ng Senate comittee on urban planning, housing and resetlement, na maghain ng resolusyon upang aniya'y imbestigahan ang kaso ng mga iniulat na kapalpakan sa nasabing bahay para sa mga Yolanda survivors sa Silangang Visayas.

Sinang-ayunan naman ito ni Presidential Spokesman Harry Roque. Ayon sa kanya, totoong maituturing na napakalaking eskandalo umano ng nangyaring resettlement sa Yolanda survivors. Dagdag ni Roque, noong kumandidato umano si Mar Roxas ay isa ang Yolanda Housing sa mga ipinagmamalaking proyekto, subalit inulan naman umano ito ng samu't-saring problema at reklamo.

"Nagkaroon ng sakuna na Marawi at kinakailangang ibangon muli ang Marawi. Gumawa tayo ng mga tahanan. Ikumpara na lang natin ang tahanan ni Digong sa tahanan noong nakalipas na administrasyon. Kaya po welcome natin iyang imbestigasyon na iyan,"ani Roque.

Matatandaang ilan sa mga reklamong ipinukol ukol sa mga nasabing pabahay ay ang paggamit umano ng mga "sub-substandard" at marurupok na materyales sa paggawa ng naturang Yolanda housing project.

Ano'ng masasabi niyo rito mga kababayan?

Source: Manila Bulletin | ABS-CBN News

Loading...

Comments