"I Empathize With the Parents"- Former Health Sec. Garin

"Nakakalungkot kasi I empathize with the parents pero mas masakit na may vested interest na naglalaro ng emosyon nila. Hindi ko alam ang kanilang vested interest at ano ang gusto nilang iparating".

Ganito ang naging pahayag ni former Health Secretary Janette Garin, sa ulat ng GMA News, kaugnay ng nauna nang sinabi ni Blue Ribbon committee Chairman Senator Richard Gordon na nararapat umanong kasuhan si Garin, gayundin sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Budget Sec. Abad, sa umano'y pangunguna sa pagbili ng Dengvaxia.

Taliwas sa pahayag ni Gordon, pinabulaanan ni Garin na nagmadali sila sa pagbili ng nasabing bakuna nang walang sapat na pagsasaliksik bago ito bilhin. Dagdag ni Garin, ang unang pagpupulong para talakayin ang nasabing bakuna ay noong taong 2010 pa.

"Noong 2011 'yung unang pagpulong, pagpiprisinta ni Secretary Ona, ang dami na pong naging meetings. Nagkaroon ng meeting July, August, and September kung saan nag-reveal 'yung Sanofi Pasteur sa kanilang pagtatapos sa clinical trial at ipinakita 'yung Asia report at Latin American report," saad ni Garin.

Dagdag pa ni Garin, hindi raw nais ng administrasyong Aquino na pagbintangang walang ginagawa upang masugpo ang dengue noong mga panahong iyon, kung mayroon naman nang bakuna na available para rito. Nakakakonsiyensya umano na kung may available na raw na bakuna at wala silang gagawin. Ayon pa kay Garin, halos 80 porsiyento umano ng nagkakaroon ng dengue ay walang sintomas at kadalasan, nakamamatay ang pangalawang pagkakataon na magkakaroon ka nito.

Ramdam umano ni Garin ang dalamhati ng mga magulang ng mga batang sinasabing namatay dahil sa Dengvaxia, dahil maging ang mga sarili raw niyang anak at ilang kaanak ay tumanggap din ng nasabing bakuna. Ani Garin, handa umano siyang harapin ang anumang kasong isasampa laban sa kanila, bagama't naniniwala siyang "one-side" umano ang draft report na ginawa ni Gordon at hindi raw lahat ay totoo.

"Sa korte mas maliwanag na pinapakinggan ang ebidensiya,"saad ni Garin.

Anoang masasabi niyo rito mga kababayan?

Source: GMA News

Previous
Next Post »