Huli sa CCTV! Posturyosong Kawatan, Kinupit ang Isang Donation Can!

Ibang klase na ang mga kawatan ngayon. Nagbibihis pa talaga nang maayos, maari mo pang pagkamalang may-kaya sa buhay, 'yun pala, pasimpleng nagnanakaw na! Ang malupit pa, walang pinatatawad na halaga! Pati ang nananahimik na donasyon para sa kawang-gawa, ibubulsa!

Sa kuha ng isang CCTV na inilabas ng Pilipino Star Ngayon, sikat na sikat na ang isang lalaking kawatan, kung saan makikitang pormado itong dumating sa isang lugar na tila restawran. May bitbit itong brown bag na sa unang tingin ay aakalain mong may laman. Habang kausap nito ang kahera, kapansin-pansin na dahan dahan na nitong nilalapitan at tila sinisipat-sipat ang lata ng donasyon na nasa ibabaw ng counter area. Animo'y nilansi nang lubusan ng nasabing kawatan ang kahera hanggang sa dahan-dahan na niyang isaklob ang dala niyang brown bag sa donation can, at nang maisakatuparan ang maitim na balak ay saka umalis.

Bagama't hindi nabanggit sa video kung saan at kailan nangyari ang kabalbalan na ito ng kawatan, magsilbi sana itong paalala sa ating lahat na maging alerto sa lahat ng pagkakataon, lalo na sa mga nagtatrabaho sa ganitong industriya.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng mga netizens na nakapanood ng nasabing video:

Ano dapat ang ginagawa sa mga ganitong klaseng tao?

Source: Pilipino Star Ngayon

Previous
Next Post »