Holdapan Sa Semana Santa: Sapul sa CCTV!

Wala na talagang pinipiling araw ang mga kawatan. Kahit ano'ng okasyon, gagawa at gagawa ng krimen at pilit na aagawin ang mga mahahalagang bagay na pinaghirapan ng iba mula sa marangal nilang hanapbuhay.

Sa eksklusibong ulat ng ABS-CBN, kitang-kita sa CCTV ang walang habas na panghoholdap ng tatlong armadong lalaki sa isang kainan ng ramen sa kalye ng Filmore, Brgy. Palanan, Makati noong nakaraang Huwebes Santo, bandang 11:30 ng gabi.

Mapapanood sa kuha ng CCTV kung paanong biglang nagkagulo at nagmadaling lumabas ang ilang customers at staff ng nasabing restaurant nang pumasok ang isang lalaking bumaba mula sa motor, kasunod ang dalawang lalaking naglalakad at pawang may mga dalang baril.

Ayon sa mga biktima, isa-isa silang tinutukan, kinapkapan at hinablutan ng cellphones ng mga kriminal. Hinampas pa ng isang holdaper ang isang biktima sa mukha nito matapos pilit na agawin ang telepono. Hindi pa nakuntento, pati isang babae at isang lalaking naglalakad sa kalye ay hinarang at hinoldap din ng mga walang kaluluwang kawatan.

Sa panayam ng ABS CBN sa may-ari ng kainan, hindi na nahabol ng mga pulis at ialng tauhan ng barangay ang mga nasabing holdaper bagama't mabilis silang rumesponde sa nasabing insidente.

Sa kabuuan, walong cellphones at tinatatayang P8000 ang natangay ng mga holdaper.

Source: ABS-CBN

Previous
Next Post »