"Hindi kami Tagapagtanggol ng mga Kriminal"- CHR

Dumepensa ang Commission on Human Rights sa naging pahayag ni Cebu City Mayor Tomas Osmeña na malaking bahagi ang papel ng CHR sa naging pagtaas ng kriminalidad at mga kasong pagpatay sa Cebu.

Ayon kay Osmeña, mas magiging ligtas umano ang siyudad kung mas napahahalagaaan lamang ang karapatang pantao ng mga biktima kaysa sa mga mismong kriminal. Dagdag pa niya, wala na rin umanong takot gumawa nang ng karahasan ang mga kriminal dahil sa kanilang "karapatang pantao" kaya't mas dumarami ang mga biktima.

Sagot naman ng CHR, hindi maituturing na "pagtatanggol" sa mga kriminal ang kanilang ginagawa. Ayon sa ahensiya, sinumang inaaakusahan ay "inosente" hanggang sa dumating ang oras na mapatunayang ito ay nagkasala. Anila, mandato nilang paalalahanan ang pamahalaaan at ang publiko na ang ganitong proseso ay bahagi ng sistema ng hustisya sa bansa.

Dagdag pa ng CHR, lahat ng tao ay may karapatan umano sa tinatawag na "due process" sa korte, at anumang summary executions ay hindi makatarungan at maituturing umanong "pagbagsak" ng justice system sa bansa.

Sinabi rin ng CHR na ang kanilang mandato ay protektahan ang karapatan ng "bawat" Pilipino, at lahat ng nagiging biktimang pang-aabuso at krimen.

Ano'ng masasabi niyo rito mga kabayan?

Source: ABS-CBN | Sunstar

Previous
Next Post »