Gordon, Binanatan si Noynoy "Isa kang Manhid at Walang Malasakit! Wala ka talagang Pakialam!"

Sa isang social media post, binanatan ni Senador Dick Gordon si dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa reaksyon at tugon nito sa kontrobersiyang kinasasangkutan sa Dengvaxia. Ayon kay Sen. Gordon, maituturing umanong manhid at walang malasakit si Aquino.

"He simply did not care. Manhid siya at walang malasakit. Napakaraming magulang ang nag-aalala, balisa, at hindi makatulog. Hindi nila matiyak kung ano ang sasapitin ng kanilang mga supling," sabi ni Gordon.

Maituturing daw na pinakamalaking kasalanan ang ginawa ni Aquino sa mga batang naturukan ng dengvaxia. Inererekomenda din ni Gordon na kasuhan ang lahat ng mga may kaugnayan sa pagpapatupag ng Dengvaxia.

"The Blue Ribbon Committee recommends charges to be filed against former President Benigno S. Aquino III, Former Secretary of Health Janette L. Garin, Former Secretary Florencio Abad, Dr. Julius Lecciones of PCMC, and other officials for violation of the Anti-graft and Corrupt Practices Act," ani Gordon.

Basahin ang tugon at reaksyon ng mga tao sa mga sinabi ni GOrdon kay Aquino.

Source: Sen. Gordon

Previous
Next Post »