Good Job! P67.9 Milyong Halaga ng Smuggled Rice, Nahuli ng Navy!

Loading...

"The successful foiling of the illegal transport of smuggled tons of rice is a result of an intensified and focused maritime patrol and operation of the Philippine Navy."

Ganito ang naging pahayag ni Rear Adm. Rene Medina ng Naval Forces Western Mindanao matapos mahuli ang cargo ship na Diamond 8 na may dalang 27,180 sakong smuggled Vietnam rice sa Zamboanga Sibugay. Tumtimbang ng 1,359 metric tons ang mga kargamento at may halagang P67.9 million.

Naaresto ng Navy ang 51 Pilipinong trabahador, 15 dayuhang crew ng Diamond 8 at ang kapitan ng cargo ship na si Lin Yang Yin na isang Chinese National.

Agad namang nakipag-ugnayan ang navy sa Department of Trade and Industry (DTI), Bureau of Customs (BOC) at sa regional police Criminal Investigation and Detection Group matapos maaresto ang mga sangkot sa smuggling. Ang ilan sa mga trabahador ng Diamond 8 ay mga menor de edad kaya nakipa-ugnayan din ang navy sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang pagkakahuli sa Diamond 8 ay malaking tulong sa kampanya ni Pangulong Duterte na mahinto ang rice smuggling sa bansa.

"We will stop rice smuggling. I can assure the Filipino people, rice smuggling can be stopped," pangako ni Department of Agriculture Secretary Manny PiƱol sa isang panayam sa radyo noong kakaupo pa lang ng Duterte Government.

Source: Philstar | ABS-CBN

Loading...

Comments