Kuwait Gov't, Pumayag na sa mga Kondisyon ni P.DU30 para sa Kapakanan ng OFWs

Pagkakaroon ng isang araw na day-off sa loob ng isang linggo, hindi pagkumpiska sa mga pasaporte, at pagpapahintulot na gumamit ng mobile phones upang direkta siyang makausap kung may kaukulan silang reklamo sa kanilang sitwasyon bilang Overseas Filipino Workers.

Ganito ang ilan sa mga kondisyon na inilatag ni Pangulong Duterte sa Pamahalaan ng Kuwait upang mabigyan ng sapat na proteksiyon ang ating mga kababayang mangagawa roon, ulat ng News5. Ito ay sa gitna ng kaliwa't kanang mga hinaing ng ating mga OFWs hinggil sa mga problemang kinakaharap nila sa pakikibaka sa dayuhang bansa.

"Alam mo, I do not want to, kumalma naman, and I have made so many demands before we sign the contract. And in fairness to Kuwait Government, pumayag sila. Sabi ko, without these conditions, sabi ko kay Bebot Bello, we will just have to bite the bullet, at sinabi ko sa Cabinet nu'ng meeting, mahirap lang tayo. There's not enough for everybody. But if everything goes wrong here, we have to accept our countrymen, and spend all available money para makatulong sa kanila,"saad ni Pangulong Duterte.

Bahala na sabi ko, sinabi ko sa mga taga-Kuwait, in my address to them, magtiis tayo, and maybe, there's always God who thinks about equality in this planet. Tutulungan din tayo ng Diyos,"dagdag pa ng Pangulo.

Maganda naman and I think to give honor also to the Kuwait Government, I will go there for the signing, just to witness it, fly in fly out lang ako,"pagtatapos ni President Duterte.

Salamat po mahal na Pangulo, sa patuloy na pagmamalasakit at tunay na pagmamahal sa ating mga mangagawang Pilipino.

Source: News5

Previous
Next Post »