General Carlito Galvez Jr., Itinalagang Bagong AFP Chief ni Pangulong Duterte!

Loading...

Karanasan bilang tagpamayapa sa gitna ng gyera ang itinuturing na inspirasyon ngayon ng itinalagang bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, na si Western Mindanao Command Chief Lieutenant General Carlito Galvez.

Sa ulat ng GMA News, ibinalita ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr. ngayong araw na si Galvez ang pinili ni Pangulong Duterte bilang kapalit ng dating hepe na si General Rey Leonardo Guerrero, na nakatakdang magretiro sa Abril 24. Kapwa manunumpa sa kanilang mga bagong tungkulin sina Guerrero at Albayalde sa darating na ika-18 ng Abril, ayon kay Roque.

Buong-pusong pinasalamatan ni Galvez si Pangulong Duterte sa paniniwala at pagtitiwala nito sa kanyang kakayahan bilang bagong hepe ng militar. Aniya, sasamantalahin niya ang pagkakataon na magawa ang lahat ng kanyang makakaya upang paglingkuran ang pangulo at ang bayan nang may dignidad, integridad at katapatan.

Sa kasaysayan, si Galvez ay naglingkod bilang kumander ng ika-6 na Infantry Division sa Maguindanao, at naatasang manguna sa usaping pangkapayapaan sa Marawi City.

Source: GMA News | Rappler

Loading...

Comments