Garin at Iba pa, Kinasuhan na dahil Dengvaxia! Mga Magulang, Nagpupuyos sa Galit na Nagsalita!

"Nandito po kami at handa po namin itong ipaglaban hanggang sa dulo. Wala na po itong atrasan"

Sa katatapos lamang na press briefing ngayong araw ni PAO Chief Atty. Persida Acosta, ganito ang ilan sa mga namutawi sa bibig ng mga magulang ng mga batang sinasabing namatay matapos mabakunahan ng kontrobersiyal na Dengvaxia Vaccine.


Kasabay ng pagpapasalamat ng mga nasabing magulang sa PAO at sa mga taong tumutulong sa kanila sa pag-usad ng kaso, nanawagan din ang mga ito kay DOH Secretary Francisco Duque III na huwag nang "pigilan" at "pagtakpan" ang totoong pangyayari. Anila, hustisya lamang ang tanging hinihingi nila at nawa ay huwag na raw itong ipagkait sa kanila. Dagdag pa ng mga ito, totoong tulong ang kanilang kailangan sa ngayon at hindi paliguy-ligoy na aksiyon.

Samantala, mga kasong "Reckless imprudence resulting in homicide" at "Violations of certain sections of the Anti-torture Act of 2009 ang isasampa laban kay Former Health Secretary Janette Garin, gayundin ang ilang opisyal ng Sanofi Pasteur, Manufacturer ng Dengvaxia.

Ayon kay Atty. Acosta, sasampahan ng kaso si Garin dahil ito umano sa pangunguna nito sa pagbili ng nasabing bakuna bagama't alam na alam umano nito na nasa "clinical test" stage pa lamang ito noong mga panahong iyon. Dagdag pa ni Acosta, nag-take over din sa FDA si Garin noong Mayo 2015, na may tungkulin sa pag-a-authorize ng mga gamot at bakuna.

Tinalakay din sa nasabing press briefing ang pagkakapare-pareho ng resulta ng awtopsiya ng mga labi ng mga batang namatay at kung paano ito iniuugnay sa tinanggap nilang bakuna ayon sa mga isinagawang forensic examinations.

Samantala, nanawagan naman ang VACC na magbitiw na lang umano si Duque at palitan ng isang taong may totoong malasakit sa mga natitirang buhay na biktima rin umano ng Dengvaxia. Mananatili raw silang nakatayo hangga't hindi nananagot ang mga taong may sala.

Ano'ng masasabi niyo rito mga kabayan?

Source: GMA News | Philstar

Previous
Next Post »