Filipino Bitcoin Scammer, ARESTADO! Naka-KULIMBAT ng Bilyon-Bilyong Piso!

Nadakip na ng otoridad si Arnel Ordonio, lider ng NewG, isang Bitcoin Investment scam. Ayon sa ulat ng PTV, ginagamit ng grupo ang kasikatan ng Bitcoin para makakulimbat ng pera sa mga biktima. Pinangangakuan daw ang mga investors ng malaking tubo sa loob lang ng 16 araw.

Makikita sa social media account ni Ordonio ang mga pinagyayabang niyang gamit at sasakyan na nakuha niya umano dahil sa pag-invest sa NewG.

"Yung friend ko hinihikayat niya ako na mag-invest. Nag-post ako sa Facebook tapos madaming sumali dahil maraming sumahod pero after December wala na... Ako na ngayon ang hinahabol ng mga tao," sabi ng isa sa mga biktima nila Ordonio.

Basahin ang reaksyon ng mga tao sa pagkakasakote sa lider ng isa sa pinakamalaking bitcoin investment scam sa bansa.

Source: PTV

Previous
Next Post »