Elago, Hindi Pabor kay Next PNP Chief Albayalde! "Lalala ang Human Rights Abuse!"

Hindi natuwa ang Kabataan party-list nang inanunsyo ng Malacañang na itatalagang bagong Philippine National Police (PNP) Chief si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Oscar Alabayalde.

Ayon kay Kabataan Party-list Representative Sarah Elago, mas lalala daw ang pang-aabuso sa karapatang pantao sa kamay ni Albayalde dahil ang NCR daw ang nakapagtala ng pinakamataas na insidente ng human rights violations habang ipinatutupad ang kampanya kontra-droga ng pamahalaan.

Inaanyayahan din ni Elago ang mga tao na lumahok sa gagawin nilang pagkilos sa Abril 13 na tatawagin nilang "National Youth Action Against Tyranny".

Hindi naman pinalampas ng mga tao ang namutawi sa bunganga ni Elago at binanatan ang batang kongresista.

Source: DWIZ| Kabataan Party-list | Angat Pilipino

Previous
Next Post »