DU30 Gov't, Magbibigay ng P8.6 Bilyong Computerization Program sa Public Schools!

Loading...

Gustong tiyakin ng Duterte Government na mabibigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga mahihirap na mag-aaral sa mga pampublikong eskwalahan. Sa pamamagitan ng pagtutulungan Department of Education (DepEd), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP), ilulunsad ang P8.6 bilyong DepEd Computerization Program (DCP) sa mga public schools.

Layon ng programang ito na matapatan ng public schools ang antas ng edukasyon ng mga private schools sa larangan ng teknolohiya.

"Ngayon (Now) we are bridging that kind of thinking because right now many of our public schools are really excelling in the same manner that private schools are maintaining their standards," sabi ni DepEd Secretary Leonor Briones.

Ayon kay Undersecretary for Administration Alain Del Pascua, makikinabang sa programa ang 14,289,301 mag-aaral sa mga pampublikong paaralan at 451,118 public school teachers. Ayon pa kay Del Pascua, may mga hakbang na silang ginawa para malabanan ang pagnanakaw sa mga computers. Ginawa rin daw nilang kulay light blue ang mga computers at nilagyan pa ng logo ng DepEd para maging palatandaan na propriyedad ito ng gobyerno.

Makikpatulungan naman ang DILG at PNP para masawata ang pagnanakaw sa mga computers.

Kailangan daw malagyan ng window railings at security guards ang mga computer laboratories, sabi ni PNP Director for Community Relations Eduardo Serapio Garado.

"In particular, we will be issuing a memorandum circular to all the local government officials to support the recipient elementary and high schools for them to provide security guards. The LGUs have authority, also the CCTV, we request the LGUs in the entire country to replicate the security here in Quezon City for schools," sabi naman ni Jonathan Malaya, DILG Assistant Secretary for Communications and Capacity Development.

Source: PTV | GMA News

Loading...

Comments