DU30 Gov't, Magbibigay ng Libreng Therapy Para sa Mga Batang May Kapansanan!

Isang masaya at napakagandang balita para sa mga kababayan nating may mga anak na may kapansanan, mga kapatid!

Magkakaroon na umano ng libreng therapy at assessment ang Philhealth para sa children with disabilities, ayon sa ulat ng ABS-CBN News. Dalawang Philhealth Circular ang inilathala kamakailan lamang, kung saan nakasulat ang dagdag-benepisyo nito para sa mga Pilipinong miyembro na may mga anak na may kapansanan.

Ang unanng sirkular ay para sa mga benepisyo ng mga batang edad 17 taon pababa, na mayroong developmental disabilities gaya ng autism, adhd at cerebral palsy. Magkakaroon sila ng libreng assessments at 90 sessions ng rehabilitation therapy kada taon. Ang ikalawa naman ay para sa mga kabataang 17 taon pababa, na may mobility impairment na magiging libre sa wheelchair, prosthesis at iba pang kakailanganin nila.

"Lahat puwedeng maka-avail, but they have to be pre-authorized by the corporation. With the hope of giving them this particular benefit ay nakikita natin that functionally, they will improve, they will have better lives,"saad ni Dr. Israel Pargas, Philhealth Spokesperson.

Ayon naman sa Presidente ng Autism Society of the Philippines na si Mona Magno Velez, napakahalaga ng ganitong benepisyo para sa mga batang may autism. Aniya, ang maagang therapy at tamang atensiyon ay makakatulong sa mga batang may otismo upang paglaki ng mga batang ito ay maging matagumpay sila hindi lamang sa paaralan, gayundin sa papasukin nilang trabaho paglaki. Umaasa rin umano siya na sa mga susunod pang panahon ay mabigyan din ng suporta ang mga batang lampas sa 17 taon.

Bilang mga magulang, importanteng tayo ang maging unang gabay ng ating mga anak. Salamat sa mga ganitong tulong ng pamahalaan at mga katuwang na ahensiya na nagbibigay ng pag-asa para sa mga kababayan nating salat sa buhay, na walang ibang hinihiling kundi mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

Source: ABS CBN News

Previous
Next Post »