DU30 Gov't, Bubuksan na ang P26 Milyong Dialysis Center sa Gensan

Good news po mga kababayan!

Ngayong araw, April 3, Martes, ay pormal nang sisimulan ang operasyon ng Lokal na Pamahalaan ng General Santos City ang isang P26-M dialysis center sa Dr. Jorge P. Royeca Hospital, makalipas ang ilang buwang pagkaantala.

Matapos ang masusing inspeksiyon ng Department of Health sa nasabing pasilidad partikular na sa kanilang Renal Care and Treatment Unit at makapasa sa operational standards, sinabi ni assistant city administrator na siya ring chief hospital administrator Glenville Gonzales na binigyan na sila ng lisensya para makapag-operate.

Ang nasabing pasilidad ay itinuturing na isa sa mga pinaka-moderno at kumpletong dialysis centers sa Mindanao.

Sa ulat ng PTV, binanggit ni Gonzales na anag naturang center ay gagamit ng may 13 makinarya para sa kanilang Sustianed Low Efficiency Dialysis o SLED renal replacement therapy.Mga propesyonal at ekspertong doktor at nurses din umano ang nakatakdang italaga sanasabing dilaysis center, na masusing sinanay upang mangalaga sa mga pasyenteng maysakit sa bato, gayundin ng tamang paggamit ng mga makabagong makinarya.

Samantala, ipinag-utos naman ng kanilang punong alkaldeng si Mayor Ronnel Rivera na bigyang prayoridad sa serbisyo ang kanilang mga pasyenteng residenteng mahihirap at walang kakayahang pinansiyal.

Source: PTV

Previous
Next Post »