DU30 Gov't at Pilipinas, Tinatahak na ang Golden Age for Economic Growth!

Ginintuang taon para sa maunlad na ekonomiya.

Ganito inilarawan ng Asian Development Bank ang anila'y unti-unting pag-angat ng ekonomiya ng bansa kung ikukumpara noong mga nakaraang taon, sa ulat ng Philstar Global. Inaasahan umano na lalago pa ang ekonomiya sa 6.8 porsiyento ngayong taon at 6.9 porsyento sa 2019, mula sa 6.7 posyento noong 2017.

Ilan umano sa mga magagandang kadahilanan ng pag-angat na ito ay ang mataas na domestic demand, tumataas na halaga ng remittances, pagtaas ng employment rate, at pagdagdag ng gastos para sa mga proyektong pang-imprastraktura. Ayon pa kay ADB country director for the Philippines na si Kelly Bird, isa umano ang Pilipinas sa may mabibilis na pag-angat ng ekonomiya sa Southeast Asia mula pa noong nakaraang taon, at inaasahan umanong mapapanatili nito ang magandang takbo ngayong taon at sa mga susunod pa.

Malaking tulong din umano at hamon sa bansa ang mga proyekto sa ilalim ng programa ng Administrasyong Duterte na "Build Build Build", kung saan tinitingnan at inaasahan ni Pangulong Duterte na maibababa ang kahirapan mula 21.6% noong 2015, patungo sa 13%-15% sa taong 2022.

Ito po ang ilang reaksyon ng mga kababayan natin tungkol sa pagpasok ng Pinas sa Golden Age for Economic Growth.

Ano ang masasabi ninyo rito mga kababayan?

Source: Philstar Global | www.build.gov.ph | Flying Ketchup

Previous
Next Post »