DOLE Undersecretary Dominador Say, Nagbitiw na sa Puwesto!

Sa gitna ng mainit na usapin ukol sa "end of contractualization" (endo), ipinahayag ni Department of Labor and Employment Undersecretary Dominador Say ang pagbibitiw niya sa puwesto, sa ulat ng PTV News. Ayon kay Say, nagpasa na umano siya ng resignation letter kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong ika-9 ng Marso at natanggap umano ito noong nakaraang Martes. Ganunpaman, hindi naman daw niya inilagay sa sulat na "immediate" ang bisa ng kanyang pagbibitiw, kundi "upon approval".

Ayon kay Say, sa isang panayam sa kanya ng Rappler, tapos na umano ang panahon niya. Halos buong panahon daw ng kanyang karera ay iniukol niya sa pagsasanay ng management law. Nais na rin umano niyang iiwas ang departamento mula sa mga pambabatikos na siya ay "pro-management" kaya't ang pagbibitiw umano sa pwesto ang naisipan niyang gawin, na noon pa raw niya naisip mula Enero ngunit hindi siya umano pinayagan ni DOLE Secretary Silvestre Bello III.

"I will spare the Secretary from the intrigues that he is pro-labor based on what I read that he is supposedly softie on management. That is not true. So I just decided, okay, I'll step back. Give the Secretary somebody who can deliver beter than I can. I'm not pro-management. Let me be clear about that, perceived as, and it is the Secretary that is being affected, being criticized for supposedly bing kind to management,"saad ni Say.

Pinasalamatan din ni Say si Bello sa pagbibigay umano sa kanya nito ng oportunidad na maging Undersecretary nito at makapaglingkod sa Gobyerno. Babalik umano siya sa pagbibigay-serbisyo sa pribadong sektor pagkatapos ng kanyang tungkulin sa pamahalaan.

Matatandaan na noong Mayo ng nakaraang taon, ipinangako ni Pangulong Duterte na isang Executive order ang kanyang lalagdaan para sa mas mahigpit na probisyon laban sa endo. Ayon sa Pangulo, bawat mangggagawa ay may karapatan sa seguridad ng kanilang "tenure" sa kumpanyang pinaglilingkuran.

Ano'ng masasabi niyo rito, mga kababayan?

Source: PTV News | Rappler

Previous
Next Post »