Dealer ng Marijuana sa mga Estudyante, Arestado!

Isa na namang kawatan ang nahuli ng mga awtoridad ngayong linggo. Ang suspek, napag-alaman pang mga estudyante at call center employees sa Bonifacio Global City ang target buyers!.

Sa ulat ng ABS-CBN, arestado ang isang umano'y tulak ng marijuana sa isinagawang buy-bust operations nitong Martes sa Makati City. Huli sa operasyon ang 25-anyos na suspek, at nasamsam din ng Station Drug Enforcement Unit ng Makati Police ang ilang mga kagamitan na umano'y ginagamit sa pag-rerepack ng marijuana. Aabot sa halagang P60 000 ang 18 pakete ng marijuana na nasa loob pa ng bag ng suspek nang maaresto.

Giit ng suspek, hindi sa kanya ang mga nasabat na marijuana, at pagmamay-ari umano ito ng mga nakatakas niyang kapatid, na ayon sa pulisya ay kabilang din sa kanilang drug watch list. Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek.

Dagdag pa ng pulisya, mga estudyante sa pampublikong paaralan malapit sa lugar at mga empleyado ng call center sa BGC ang kadalasang binebentahan ng marijuana ng suspek.

Good job po sa ating mga kapulisan! Sa mga magulang ng mga mag-aaral, bantayan po nating mabuti ang ating mga anak. Sa mga iilang pagkakataon na nalilingat tayo ay may mga ganitong klaseng kriminal pala na maaari silang dalhin sa kapahamakan sa labas ng paaralan.

Source: ABS-CBN News

Previous
Next Post »