DAMAY LAHAT! DU30 Gov't, SINIPA at SINIBAK ang Lahat Empleyado sa Isang LTO Branch dahil sa Korapsyon!

Matapos makatanggap ang Pangulong Duterte ng reklamo mula sa mga rice traders at truck owners na kino-kotongan umano sila ng mga opisyal at empleyado ng Land Transportation Office (LTO) sa Nueva Vizcaya, ipinag-utos agad ng Malacañang ang pagsibak sa lahat ng empleyado sa naturang branch ng LTO. Sa pamamagitan ng kautusan galing kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, ipinatatanggal ang lahat ng tauhan sa Bayombong District Office at Aritao Extension Office ng LTO.

"Hindi ako mag-aalaga ng mga anay sa hanay ko. Dati ko pang sinasabi sa inyo, ayaw na ayaw ng Pangulong Duterte ng korapsyon. Sa aksyon o persepsyon, ayaw namin ng korapsyon. Hindi ako nagbibiro, hindi ako magdadalawang isip na yariin kayo... Sa mga rice trader at truckers, wag kayo magalala. Tuturuan natin ng leksyon ang mga siraulong ‘yan para masigurong maayos kayong makapagnegosyo. Kung may mga reklamo kayo sa iba pang opisyales o kawani ng DOTr, ‘wag kayong mangingiming ipaalam sa akin,"sabi ni Tugade.

Ayon sa reklamong isinumbong ng mga rice traders at truckers sa Pangulo, kumikita umano ng P1 million kada araw ang ilang tauhan ng LTO sa nasabing probinsiya. Ang kalakaran ay nagyayari na bago pa naupo si Pangulong Duterte sa pagka-presidente.

Pansamantala naman papalitan ang mga sinibak na tauhan para hindi maantala ang transaksyon de gobyerno ng LTO sa naturang lugar habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa mga inerereklamong mga empleyado at opisyal.

Source: Inquirer

Previous
Next Post »