Dalagita, Patay nang Mabaril! Nadamay sa Rambulan ng mga Menor De Edad na Gang Members

Namatay ang isang dalagita nang madamay ito sa away ng 2 gang sa Mandaue City. Ayon sa ulat ng GMA News, nagrarambol daw ang dalawang grupo ng kabataan nang mabaril ang babaeng biktima. Nag-iwan ng mga basag-basag na bote ang rambol ng mga menor de edad. Sugatin din ang isa pang disisyete anyos sa insidente.

Ayon sa mga residente sa lugar, halos gabi-gabi na lang daw ay gumagawa ng gulo ang dalawang grupo ng kabataan. Nahuli naman ng otoridad ang suspek sa pamamaril.

"Nagpang-abot sila sa grupo na more or less 30 plus talaga tapos biglang may pumutok sabi ng witness kaya natamaan ang biktima sa kaliwang parte ng ulo sinubukan pa sanang tulungan pero binaril din ng mga suspek," sabi ni PO3 David Umambac.

Ito po ang hilatsa ng pagmumukha ng suspek na si Reynaldo Kabatingan.

Source: GMA News

Previous
Next Post »