CCTV Footage ng Malagim na Saksakan sa SM, Inilabas na!

Nakakuha ng kopya ng closed-circuit television (CCTV) footage ang programang Unang Balita kaugnay sa nangyaring krimen sa loob ng SM North EDSA kung saan sinaksak ng PC Home Service Center store manager Leo Laab ang kustomer na si Geroldo Ramon Querijero.

Nag-ugat umano ang krimen dahil sa resibo. Nagtalo raw si Laab at si Querijero nang kukuhanin na ng biktima ang laptop na pinaayos niya sa tindahan kahit hindi dala ang job order. Mapapansin sa video na may tumulak kay Querijero kaya gumanti ito sa pamamagitan ng pagbato at dito na inundayan ng saksak ng suspek ang biktima.

Nadala pa sa ospital ang biktima pero pumanaw din. Ang suspek naman ay nakatakas at pinaghahanap na ng otoridad. Ayon sa ilang ulat, nabili daw ang kitchen knife na ginamit ng suspek sa isang hardware sa loob din ng SM Mall.

Basahin ang reaksyon ng mga tao sa nangyaring pananaksak sa loob ng mall.

IKALAT po natin ito para mahuli agad ang suspek.

Source: GMA News

Previous
Next Post »