Budget ng DepEd, Pinakamalaki sa Panahon ng DU30 Gov't! "Highest Ever Increase!"

"It was only during your time, Mr. President, that our department received the highest ever increase on the budget of the Department of Education over a hundred billion, over thirty five percent, when you assumed office, and we thank you very much for this support".

Ganito ang naging masayang pahayag ni Department of Education Secretary Leonor Briones sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2018 na ginanap sa Ilocos Sur, kung saan personal na nagpakita ng suporta si Pangulong Duterte sa mga atletang kalahok, sa ulat ng PTV News.

Ayon kay Briones, nagpapasalamat umano sila sa pagsuporta ni Pangulong Duterte sa layunin ng DepEd na lalong mapalakas at mapagbuti ang edukasyon para sa bawat kabataang Pilipino.

Samantala, umaasa naman umano si Pangulong Duterte na sa pamamagitan ng Palarong Pambansa ay maipamamalas ng mga kabataang atleta ang pagkakaisa, teamwork at pagging isport ng mga Pinoy.

"Being a delegate to the Palarong Pambansa is just one of the many firsts of your journey towards success. Embody good values and enhance your skills, for this is the beginning of your greater participation in nation building. I look forward to your more significant contributions to society in the days to come,"saad ni Pangulong Duterte.

Nawa ay mapahalagaan at magamit sa tamang paraan pagsusumikap ng pamahalaan na makapaglaan ng malaking pondo para sa edukasyon ng bawat kabataang Pilipino. Sa larangan man ng akademiko o sports, ipakita natin na ang lahing Pinoy ay maipagmamalaki sa buong mundo.

Source: PTV News

Previous
Next Post »