Au Missionary Sr. Patricia Fox, Pinaaalis ng Pilipinas ng Bureau of Immigration



Isang order mula sa Bureau of Immigration ang nag-aatas kay Australian missionary Sr. Patricia Fox na lisanin ang bansang Pilipinas. Ito ay matapos ang pagkansela ng Visa ni Fox, batay sa naging pasya ng BI sa pangunguna ni Commissioner Jaime Morente, sa ilalim ng Section 9 ng Philippine Immigration Act of 1940, ayon sa ulat ng GMA news.

Ayon kay Morente, napag-alaman umanong si Fox ay nakisama sa mga aktibidad na hindi pinapayagan batay sa "terms and conditions" ng kanyang visa, na ang orihinal na araw ng pagkapaso ay sa ika-5 pa ng Setyembre. Dagdag pa ni Morente, tanging "missionary work" at hindi "political activities" ang pribilehiyong kasama sa visa ni Fox.



Binigyan si Fox ng 30 araw na palugit ng BI matapos matanggap ang nasabing utos, para lisanin nito ang bansa. Samantala, iniutos din ng ahensiya ang pag-deactivate ng alien certificate of registration ni Fox.

Gayunpaman, sinabi naman ni BI Spokesperson Antonette Mangrobang na maaari pa ring makapasok at makalabas ng bansa si Fox, bilang isang turista.

Halu-halo ang naging reaksiyon ng mga netizens sa nasabing balita. Narito ang ilan:

Ano'ng opinyon niyo rito mga kababayan?

Source: GMA News

Latest
Previous
Next Post »