Assec. Mocha, Sinupalpal at Binutata si Kiko! "Huwag Puro Porma Kiko!"

Napaghahalataan na kulang sa research at sayang umano ang posisyon.

Ganito ang naging sagot ni PCOO Assec. Mocha Uson sa naging pahayag ni Senator Kiko Pangilinan hinggil sa usapin tungkol sa NFA rice. Sa kanyang blog post, sinabi ni Uson na tila hindi raw alam ni Pangilinan na nagkakahamunan na ng pagsisiyasat ang NFA, at handa na rin umano si Admin Aquino para rito. Saad pa ni Uson, ang mismong Council ang hindi umano nagpapa-audit at ayaw magbigay ng resolusyon hanggang sa kasalukuyan.

"Haaaay. Sen. Kiko baka di mo nalalaman. Nagkahamunan na ng audit sa NFA. Si Admin Aquino handa na. Alam nyo kung sino ang hindi nagpapa-audit? Ang Council. Hanggang ngayon di sila nag lalabas ng resolution. Wag puro porma Sen. Kiko. Napaghahalataan ang kakulangan nyo sa research. Sayang posisyon niyo dyan." sabi ni Assec. Mocha.

Ayon kay Pangilinan, hindi raw ang NFA council ang dapat alisin sa pamamahala ng rice supply ng bansa. Sabi ng Senador, dapat daw na ang NFA Administrator ang buwagin dahil kung seryoso raw ang Gobyerno sa pagtugon sa incompetence at smuggling, ito raw ang dapat gawin.

Dagdag pa ni Pangilinan, marami na umanong nahayag na anumalya at kataka-takang pangyayari sa management ng stock ng bigas ng NFA.

"Ang pagkaintindi ko, may audit na ipinagawa ang NFA Council para malaman, ano 'yung naging dahilan at ba't naubos itong stocks natin ng NFA rice, na ngayon ay zero na? Mayroon mismo doon sa hearing ng Senado na nagsabi, ang dahilan ba't naubos 'yung NFA rice ay dahil binenta sa trader, at ang trader ay nire-bag at binebenta bilang commercial rice. So, anumalya ito. So,bakit nagkaroon ng audit o ino-audit itong NFA Management at biglang ang solusyon ay i-abolish 'yung nag-utos ng audit? Hindi rin ito tama," saad ng senador.

Ayon pa kay Pangilinan, pinagbibitiw din daw umano ng ilan pang senador si Administrator Aquino, kaya't ang pag-abolish daw sa NFA Council ay hindi solusyon. Kung bubuwagin daw ito, paaano na lamang daw ang mga na-uncover na anomalya at ano na raw ang kahahantungan ng presyo at supply ng bigas sa bansa.

Ano ang masasabi niyo rito mga kababayan?

Source: Mocha Uson Blog | Filipino Community

Previous
Next Post »