Aquino, Abad at Garin, Inerekomendang Kasuhan Kaugnay sa Dengvaxia, Ayon sa Senate Report ni Gordon!

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang paghahanap ng hustisya ng mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil umano sa Dengvaxia vaccine. Kamakailan lamang ay nagsampa na ng pormal na reklamo ang mga kaanak ng nabanggit na mga biktima laban sa mga pinaniniwalaang dapat managot sa pangyayari.



Sa gitna ng mainit na usapin, sinabi ni Senator Richard Gordon sa kanyang draft report na nararapat din umanong managot sa batas sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Budget Chief Florencio Abad at dating Health Secretary Janette Garin, sa ulat ng GMA News. Ayon sa Senador, kailangan umanong imbestigahan at makasuhan ng Graft at Paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ang tatlo, kasama ng iba pang kawani ng pamahalaan na may partisipasyon at nanguna sa pagbili at pagpapalaganap ng Dengvaxia vaccine.

Ayon pa kay Gordon, hindi umano makapaglalabas ng pera si Garin sa pamamagitan ng Special Allotment Release Order (SARO) at Notice of Cash Allocation kung walang partisipasyon at pag-apruba nina Aquino at Abad. Dagdag ng Senador, ang pondo na ginamit ay galing sa ni-realligned na savings ng dalawa mula sa Miscellaneous Personnel Benefit Fund, isang kaso ng technical malversation dahil sa pagpopondo ng isang aktibidad na hindi aniya aprubado ng Kongreso.

"To get a SARO alone is very hard. Makakuha ka lang ng SARO sinusuwerte ka na. But to get a SARO from savings, of this magnitude of 3.5 billion, leaves no doubt that it can only be done with the President's knowledge and approval,"sabi ni Gordon.

Saad din ni Gordon, ni hindi man lamang umano nagkaroon ng sapat na pagsasaliksik si dating Pangulong Aquino kung ano ang maaaring epekto ng nasabing bakuna bago nanguna sa pagbili nito.

Nauna nang sinabi ni Aquino na handa umano siya sa anumang kasong maaari niyang harapin sapagka't malinis daw ang kanyang kunsensiya, at ang pangunahin lamang daw niyang layunin sa pagbili nito ay para sa ikaliligtas ng mas nakararaming buhay.

Ano ang opinyon niyo rito mga kabayan?

Source: CNN Philippines | Sen. Gordon | GMA News

Previous
Next Post »