'Ang Probinsyano' Actor Julio Diaz, ARESTADO sa Drug Bust Operation!

Nahuli ng mga pulis ang aktor na si Julio Diaz sa isang anti-drug operation sa Meycauayan, Bulacan ngayong araw. Nahuli rin sa operasyon ng kapulisan ang isang kasama ni Diaz na hindi pa alam ang pagkakakilanlan.

Si Diaz ay napasama sa cast ng hit teleserye 'Ang Probinsyano', kung saan ginagampanan niya ang karakter na Julian Valero, tauhan ng Cebu drug based syndicate boss Romano "chairman" Recio. Napabilang rin si Diaz sa 1993 award winning na pelikulang "Sakay" kung saan siya ang lead character.

Napasama na rin noong 2016 si Diaz sa drug watch list ng otoridad pero kanyang pinabulaan noon na siya ay gumagamit ng droga.

Na-operahan si Diaz noong 2016 matapos magkasakit ng brain aneurysm.

Basahin ang reaksyon ng mga tao sa pagkaka-aresto kay Diaz.

Anong komento niyo sa pagkakahuli kay Diaz?

Source: ABS-CBN | ABS-CBN Archive | Doland Castro | Inq | ANC

Previous
Next Post »