Aktibong Pulis, Supplier ng Armas ng mga Namatay na Kidnappers sa Madugong Engkwentro sa Laguna!

Nahuli na ng otoridad ang tatlo pang miyembro ng kidnapping group na namatay sa San Pablo, Laguna matapos makipagbarilan sa mga pulis. Kinilala ang mga karagdagang suspek na sina Glenn Taningco, Lalen Barrios at SPO2 Leo Pamonag. Si Pamonag ang nagsupply ng baril, granada, bala at uniporme ng mga kasamahan nitong kidnappers na nagpanggap na pulis.

Ayon kay PNP Anti Kidnapping Group Director S/Supt Glen Dumlao, ang lider umano ng grupo ay si Ricky Barrios na nakakulong sa Quezon BJMP.

"2015 na-involved na ito (Ricky Barrios) sa mga gun-for-hire activities, murder at illegal possesion of firearms doon sa Candelaria. He runs his syndicate inside the jail in connivance with Pamonag," ani Dumlao.

Ikinadismaya naman ni Dumlao ang pagkakasangkot ng pulis sa krimen.

"Pulis ka tapos magpapa-under ka sa isang sibilyan na nasa loob pa ng kulungan," sabi pa ni Dumlao.

Basahin ang tugon ng mga kababayan natin sa pagkakasangkot ng aktibong pulis sa kidnapping.

Source: ABS-CBN

Previous
Next Post »