Aksyon Agad! DU30 Gov't, Inayos agad ang Kawalan ng Ilaw sa PNR Station matapos i-ulat ng Netizen!

Agad-agarang inayos ng Duterte Government sa pamamagitan ng Department of Transportations (DOTr) ang kawalan ng ilaw sa Philippine National Railways (PNR) Sucat Station nang i-report ito ng concerned citizen na si Unjun Napiza sa kanilang Facebook page noong Marso 14, 2018.

Ayon kay Napiza, napakadilim at napakadelikadong maglagi sa naturang istasyon tuwing naggagabi.

Ang problema sa istasyon ng Sucat ay ipinaalam agad ng DOTr sa pamunuaan ng PNR at mabilis na naayos noong Abril 3, 2018. Inaayos na rin ng ahensiya ang buong electrical system ng PNR.

Masayang ibinalita ito ng DOTr sa kanilang Facebook page.

"Ngayon, maliwanag na sa istasyon kahit gabi. Maliwanag na, mas ligtas pa. #DOTrPH #AksyonAgad #RailwaysSectorWorks... PS: Ang mga petsang nakasaad dito ay kung kailan aktwal na nakunan ng litrato ni Unjun Napiza ang sitwasyon sa PNR Sucat station." sabi sa Facebook post ng DOTr.

Ito po ang reaksyon ng mga tao sa mabilis na aksyon ng Duterte Government sa kawalan ng ilaw sa istasyon ng PNR.

IBAHAGI po natin ang mabuting balita na ito.

Source: DOTr

Previous
Next Post »