Adik na Ama, Pinatay sa Saksak ang 2-Anyos na Anak! CHR at CBCP, Nasaan kayo?

Langung-lango pa sa ilegal na droga nang maaresto ng mga pulis ang isang adik na ama, na pinagsasaksak ang sarili niyang anak na babae hanggang sa mapatay ito. Dalawang taong gulang lamang ang walang kalaban-labang musmos.

Batay sa ulat ng GMA News, ang suspek ay nakilalang si Gapor Alkasaya, 40, residente ng Barangay Kasanyangan, Zamboanga City. Nangyari umano ang karumal-dumal na krimen nitong nakaraang Linggo, alas-dos ng hapon.

Matapos umanong mapatay ang kanyang anak ay sinubukan pa nitong tumakas at agad na tumakbo sa bahay ng kanyang kapatid, subalit mabilis na rumesponde ang mga awtoridad at doon na siya nasukol. Tinangka pa umanong lumaban ng suspek sa mga pulis kaya't binaril siya ng mga ito sa may bandang binti at noo. Nakaligtas ang suspek nang madala siya sa ospital, habang inilibing naman kaagad ng kanilang mga kaanak ang bata.

Nakuha mula sa suspek ang dalawang matatalim na bolong ginamit sa krimen, at siya ay haharap sa kasong parricide.

Umagaw ito ng atensiyon sa social media at marami sa mga netizens ang nagpupuyos sa galit. Ibang klaseng kamandag at pagkasira sa isip talaga ang idinudulot ng droga. Sa mga bumabatikos sa aksiyon ng pamahalaan na giyera kontra droga, masdan po ninyo kung ano ang mas matinding kapalit at mga inosenteng buhay na madadamay kung walang sapat na hakbang upang sugpuin ang matagal nang problema ng bansa.

Source: GMA News

Previous
Next Post »