Abogado ni Leni sa Kampo ni Marcos "Kasinungalingan ang Sinasabi Ninyo!"

Sa gitna ng maingay na usapin ukol sa recount para matuldukan na ang umano'y isyung "dayaan" sa nakaraang 2016 Elections, muling dumepensa ang mga abogado ni Vice President Leni Robredo laban sa mga akusasyon ng kampo ni former Senator Bongbong Marcos.

Ayon sa panig ni Marcos, ang mga nawawalang "audit logs" ay mga ebidensiyang magpapatunay na nagkaroon nga ng dayaan sa nasabing halalan.

Sa ulat ng ABS-CBN, nauna nang ipinahayag ng abogado at tagapagsalita ni Marcos na si Vic Rodriguez ang kanilang pagkadismaya sa umano'y mga "nabasang balota" at "nawawalang" audit logs.

Dagdag ni Rodriguez, mahalaga umano ang mga audit logs upang mapatunayan ang integridad ng mga ginamit na counting machines, at matukoy ang mga eksaktong naganap bago dalhin ang mga ito sa presinto, habang binubuksan, at hanggang sa matapos.

Samantala, kinontra naman ito agad ng abogado ni Robredo na si Romulo Macalintal at tinawag niyang "kasinungalingan" ang pahayag ng kampo ni Marcos. Aniya, ilang buwan bago ang halalan ay naglabas umano ng resolusyon ang Commission on Elections para sa board of election inspectors na ihatid ang mga naturang audit logs sa election officer. Dagdag pa ni Macalintal, kapabayaan umano ito ng panig ni Marcos na gusto lamang ibaling sa Comelec.

"Mapagpaumanhin na kayo sapagka't kasinungalingan ang sinasabi ninyo na 'yun ay pandaraya. Hindi ho sign ng pandaraya 'yun. 'Yun ay sign na 'di kayo nagbabasa ng mga resolution ng Comelec at ngayon ay sinisisi niyo na naman ang Comelec dahil kayo ay may sariling kapabayaan," saad ni Macalintal.

Ano ang masasabi niyo rito mga kababayan?

Dayaan o kapabayaan?

Source: ABS-CBN

Previous
Next Post »