4 na Kasong Kriminal Kaugnay sa Dengvaxia, Isasampa na Laban sa mga Taga-DOH ayon sa PAO!

Apat na kasong kriminal ang nakatakdang isampa ng apat na pamilyang namatayan ng kaanak na iniuugnay sa usapin ukol sa Dengvaxia, at karamihan sa mga ito ay taga Department of Health, ayon kay Public Attorney's Office (PAO) Atty. Persida Rueda-Acosta.

Sa ulat ng ABS CBN, matapang na sinagot ni Acosta ang panawagan ni DOH Secretary Francisco Duque III na makiisa at makipagtulungan ang PAO sa kanilang departamento. Ani Duque, mas makabubuti umano kung ibabahagi sa kanila ng PAO ang ilang mga impormasyon sa kanilang isinasagawang imbestigasyon at awtopsiya sa mga labi ng hinihinalang naturukan ng nasabing bakuna. Ayon pa kay Duque, dapat umano silang maging isa ng PAO na labanan ang siyang may pananagutan, na ang tinutukoy nito ay ang Sanofi.

"Naipaliwanag ko na po sa Kongreso 'yan eh. Sa Lower House saka sa Senate, na karamihan po ng idinedemanda at idedemanda ay mga taga DOH. May conflict of interest," saad ni Acosta.

Dagdag pa ng PAO, ang ebidensiya ng namatayan ay hindi umano maaaring iblagay sa kamay ng idedemanda. Aniya,"illogical" umano ang hamon na ito ni Duque.

Sabi ng PAO, idinaan naman umano nila sa lahat ng pagsubok ang proseso, gayundin ng mga karampatang eksaminasyon. Masusi rin umano nilang inalam kung tama at malakas ang ebidensiyang hawak nila bago sila gumawa ng kasunod na hakbang.

"Pati good faith ng mga idedemanda tinitingnan namin eh. Pero parang walang good faith po 'yung iba. 'Yun lang pong ayaw pagbibigay sa PAO ng Master List, kasi nga nahihirapan tayo eh 'yung ibang bata walang dengvaxia card, 'yung mga pulis 'yung iba walang dengvaxia card, 'yung ibang namatay through affidavits lang ng mga witnesses na nabakunahan. Pero kung 'yung demand ho namin noong January 11 and 12 sa DepEd saka DOH eh tinugunan nila ng positive, baka sakaling maniwala pa po ako na in good faith po 'yung mga andiyan sa DOH," ani Acosta.

Dagdag pa ng abugado, mismong ang mga magulang ng mga biktima ang lumalapit sa kanila upang humingi ng tulong dahil ayaw rin umano ng mga ito na ipahawak ang mga ebidensiya at resulta ng awtopsiya sa mga taong idedemanda nila.

Source: ABS-CBN

Previous
Next Post »