210 'COLORUM' PUVs, Na-IMPOUND sa Crackdown ng DU30 Gov't! Pagmumultahin ng Abot P1 Milyon!

Loading...

Sa pinaigting na operasyon laban sa 'colorum' na public utility vehicles (PUVs), aabot sa mahigit na 200 na colorum na pampasaherong sasakyan ang napa-impound ng Duterte Government. Ayon sa ulat ng GMA News, 119 na colorum bus at 91 na colorum vans ang nahuli ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG). Karamihan umano sa mga sasakyan na nahuli ay galing sa MIMAROPA region.

"Well, pinakamarami pa rin yung sa 4-B kasi ito yung usual na route ng Dimple Star. Yung Dimple Star naman not necessarily na colorum siya but lahat ng Dimple Star with their colorum or may franchise pinahuli 'to because of the aksidente... Usually yung proseso natin eh ini-impound muna natin and then ang colorum naman kasi it is the fault of the operator and supposed to be 'pag bago nila pinatakbo 'yan eh may prangkisa but as to the drivers, kung ano yung violation nila, huhulihin natin sila don," " sabi ni HPG director Chief Superintendent Arnel Escobal.

Ang mga operator ng mga nasabing PUVs ay kailangan magbayad ng P1 million para sa bus at P200,000 para sa vans.

Ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang nationwide crackdown sa mga colorum na PUVs matapos ang malagim na aksidenteng kinasangkutan ng Dimple Star bus na kumitil sa 19 na pasahero nito.

Basahin niyo po ang tugon ng mga kababayan natin sa nationwide crackdown laban sa mga colorum ng PUVs.

Sang-ayon ba kayo sa naging hakbang ng Duterte Gov't laban sa mga colorum ng PUVs?

Source: GMA News

Loading...

Comments